Pages

Tuesday, November 3, 2009

sandali lang.

ang hirap talaga
sumabay sa pagmamadali

nakakapagod pala
habulin ng tingin
kapag masyado nang malayo

pero kahit na
nakasunod pa rin
kahit di na makasabay.

kelan mapapagod ng kahit kaunti
ang mga paang laging naghahabol
sa oras na di naman maabutan?

hindi ba nakakasawa ang
tibok ng pusong
palaging nag-uunahan?

teka nga.
kailan ka ba hihinto
para lingunin man lang ako?

No comments:

Post a Comment