Pages

Tuesday, November 3, 2009

Pagtakas

Hindi ko madama
ang mga pader na
kumukulong
pero andyan sila.
di ko makita kung
ano-
pero may pumipigil
sa paghinga.
gusto kong
tumakbo
palayo,
pero san ako
pupunta?
di maihakbang
ang di naman
nakagapos na paa.
Walang
patutunguhan
ang diwang
walang malay
kung anong
nasa labas...
Paano ba
gagawin ang
pagtakas
sa hawlang
nakabukas
pero parang nakasara?

No comments:

Post a Comment