Pages

Tuesday, November 3, 2009

Kwento

Di mabuo-buo
ang mga katagang
nakakubli
sa sulok ng isip.
Gaano man ang
pilit palayain
Sadyang nakagapos
pa rin
Walang susi
ang hawlang kumukulong
sa mga salitang
nais pakawalan
ngunit di magawa.
Saan napupulot
ang lakas na
bigyang tunog
ang mga tauhang
ayaw mabuo
kahit sa papel man
lang?
Pakiusap,
kailangan ko
ng kasama
dito.
Maaari bang
hayaan nyo nang
malikha ko
kayo?

No comments:

Post a Comment