Pages

Tuesday, November 3, 2009

Karamay

gusto kong
basagin ang katahimikang
nakabalot sa nakaririnding
ingay
gusto kong bigyan
ng tunog
ang mga hikbing pilit
na ikinukubli
sa tapang na
tanggapin ang pagkutya
nila.
gusto kong
bigyan ng boses
ang bibig
na pininturahan
ng pekeng ngiti at
binusalan
ng sistemang di nakakaintindi
gusto kong
ibalik ang buhay
sa likod ng mga matang
pinadilim ng
mga taon ng pait.
gusto kong ibalik
sa 'yong mga kamay
ang laruan
na miminsan lang
yatang nahawakan.

gusto kong magsalita
magalit para sa 'yo.
gusto kong umupo at makinig
alamin kung bakit
sabihin
kumbinsihin
ipaalala ang karapatang
dapat ay batid mo.

bakit ba
hanggang tingin
lang ako?

No comments:

Post a Comment