Pages

Tuesday, November 3, 2009

Hagdan

naghintay ka ba?
akala ko hindi.
wala ka kasing sinabi
at di ko kayang magbasa
ng utak ng ibang tao.
nahihirapan din akong
intindihin kahit ang
sarili ko
ikaw pa kaya?

akala ko di ka naghintay
kaya umalis na 'ko
at inakyat ang hagdang
iba sa 'ting ginusto.
malayo na ko
di ko na kayang bumalik
at iba na ang damdaming
tangay sa pagpanhik

ayokong sabihin
dahil masakit
pero di ka na kasali
sa mga inihahakbang ko
akala ko kasi
di ka naghihintay.

kaya,
umalis ka na rin
kasi kahit bigla akong bumalik
iba na ang pagtingin.

No comments:

Post a Comment