Pages

Tuesday, November 3, 2009

eto ang pinili ko

di na ako nakaalis
sa kinatatayuan
kakaantay sa 'yo.

nangalay na ang
mga paang
matagal nang nakaabang
sa pagdating mo.

at nanlalabo na
ang mga matang
hinahanap ka.

ayoko na sana.

kaya lang...

di pa pagod ang pusong
bumibilis ang tibok
pag may narinig na papalapit

di pa sawa sa pag-asang
baka ikaw na yun
kahit na
madalas ay hindi pala.

at kahit sabihing wala
na talaga

ayaw maniwala ng diwang
piniling antayin ka.

kaya dito lang ako
hanggang sa pagdaan mo.

2 comments: